The San Juanico Bridge: Ang Tulay ng Kultura ng mga Leyteño at Samareño
DOI:
https://doi.org/10.47577/eximia.v14i1.542Keywords:
ugnayan, lente, Waraynon, Leyteño, Samareño, San Juanico BridgeAbstract
Ang mga isla ng Samar at Leyte, bagama’t pinaghiwalay ng San Juanico Strait, ay pinagdurugtong ng San Juanico Bridge—isang estrukturang may mahalagang papel sa pang-araw-araw na buhay ng mga Waray. Higit pa sa pagiging daanan ng transportasyon, ang tulay na ito ay naging bahagi ng mga salaysay na sumasalamin sa kulturang humuhubog sa pagkakakilanlan ng mga Waraynon. Dahil dito, layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang iba’t ibang bersyon ng mga kuwento tungkol sa San Juanico Bridge upang maipakita ang ugnayan ng mga Leyteño at Samareño. Sa pamamagitan ng kwalitatibong-deskriptibong disenyo ng pananaliksik, sinuri ang 17 salaysay mula sa Samar at Leyte. Batay sa mga natuklasan, lumitaw ang dalawang pangunahing aspeto ng ugnayan ng mga Waraynon sa dalawang isla: (1) ang koneksyong nakaugat sa kanilang historikal na pinagmulan at (2) ang pagpapahalagang kultural na nagbubuklod sa kanila. Sa pamamagitan ng mga salaysay mula sa dalawang isla, lumilitaw na ang San Juanico Bridge ay hindi lamang nagsisilbing pisikal na koneksyon kundi isang simbolo ng matibay na pagkakaisa, identidad, at patuloy na paghubog ng kultura ng mga Waraynon.
Downloads
References
[1] Nibalvos, I. M. P. (2019). Lipunan at panitikan: Pag-uugat ng Kapilipinohan sa pagbubuo ng literaturang pambansa. Malay, 32(1).
[2] Amat, A. B. (2019). Pagdalumat sa pamahiin ng mga Taclobanon sa Hilagang Leyte (Unpublished master's thesis). Bicol University, Graduate School.
[3] Catipay, T. M. A. (2019). Antolohiya ng mga Sugbu-anun’g kwentong bayan: Pagbabalik-tanaw sa buhay at kulturang Cebuano. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 7(1).
[4] Anderson, W. (1937). Kett enbriefe in Estland. Proceedings of the Estonian Folklore Archive, 7. K. Matiesen Printing House.
[5] Adaya, M., et al. (2019). Replica of San Juanico Bridge connected from Samar to Leyte. Ascendens Asia Singapore–Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research, 1(1).
[6] Anderson, W. (1937). Kett enbriefe in Estland. Proceedings of the Estonian Folklore Archive, 7. K. Matiesen Printing House.
[7] Malinowski, B. (1926). Myth in primitive psychology. W. W. Norton and Co.
[8] Amat, A. B. (2019). Pagdalumat sa pamahiin ng mga Taclobanon sa Hilagang Leyte (Unpublished master's thesis). Bicol University, Graduate School.
[9] Nibalvos, I. M. P. (2018). Pagpapahalagang Pilipino sa mga piling siday ng San Julian, Silangang Samar (Doctoral dissertation). De La Salle University-Dasmariñas. DOI: https://doi.org/10.57106/scientia.v7i2.93
[10] Cruz, I., & Reyes, S. S. (n.d.). Ang ating panitikan. Good Will Bookstores.
[11] Tolentino, R. B. (2011). Sipat kultura. Ateneo de Manila University Press.
[12] Villafuerte, P. (2000). Panunuring pampanitikan. Mutya Publishing House.