Awareness of Mental Journey in Filipino Film
DOI:
https://doi.org/10.47577/eximia.v14i1.544Abstract
Ang pelikula ay isa sa pinakamakapangyarihang midyum ng sining na nagdadala ng malalim na impluwensiya sa lipunan. Bilang anyo ng panitikan na nagbibigay ng malaking impluwensiya sa bawat indibidwal, isang mapagkukunang libangan kundi isa ring mabisang paraan upang ipahayag ang kultura, kasaysayan, at panlipunang reyalidad ng isang bansa. Sa Pilipinas, ang industriya ng pelikula ay patuloy na nagbabago at umaangkop sa makabagong teknolohiya upang makasabay sa pandaigdigang kompetisyon at dahil na rin sa makabagong teknolohiya na kung saan higit na mapapadali ang paghahatid ng mga kaalaman at higit na mauunawaan at makatutulong sa madaliang pagtugon. Ang pinakaimportanteng bagay sa buong mundo ay maaaring dalhin ng guro sa silid- aralan sa pamamagitan ng paggamit ng educational media, ang konseptong abstrak ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pelikula. Layunin ng pag-aaral na masuri ang kamalayan ng mga piling pelikula sa nagwagi sa Gawad Urian na tinitiyak na mabigyan ng kasagutan ayon sa tema, bisang pangkaisipan, at epekto sa mental na kalusugan at damdamin. Ginamit ang “Descriptive Research Method ” na naglalaman ng mga nararapat na impormasyon na kailangan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman ( Content Analysis ) bilang paraan sa pagsisiyasat sa mga piling pelikula na nagwagi sa Gawad Urian na nakatuon sa tema, bisang pangkaisipan, epekto ng mental na kalusugan, damdamin at interbensyon. Batay sa kongklusyon, ang mga pelikula ay isang makabuluhang sining at intrumento o tulay na tunay na nagbibigay ng kamalayan sa iba’t ibang pangyayari sa lipunan na magsisilbing gabay, repleksyon at nagbibigay kamulatan sa kasalukyang panahon. Ang mga pelikula ay naglalahad ng kwento at nag-uudyok rin nang higit na malalim na pag-unawa at pagkilos para sa ikabubuti ng bawat mamayang Pilipino at lipunan na kumilos para sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng kamalayan pangkaisipan sa paglalakbay, pagtangkilik at pagpapalaga sa mga pelikulang Pilipino.
Susing-salita: Pelikula, tema, bisang pangkaisipan, epekto ng mental na kalusugan, damdamin,
interbensyon
Downloads
References
[1] Aguilar, D. (1998). Toward a nationalist feminism. Ateneo de Manila University Press.
[2] American Psychological Association. (2020). Psychological first aid: Field operations guide (2nd ed.).
[3] Bourdieu, P. (1986). The forms of capital. In Handbook of theory and research for the sociology of education.
[4] Coronel, S. (2011). Pork and other perks: Corruption and governance in the Philippines. Philippine Center for Investigative Journalism.
[5] David, J. (2019). LGBTQ+ representation in Philippine cinema.
[6] David, R. (2014). Poverty and social justice in the Philippines.
[7] Garcia, J. (2008). Philippine gay culture: Binabae to bakla, silahis to MSM.
[8] Ileto, R. (1999). Pasyon and revolution: Popular movements in the Philippines. Ateneo de Manila University Press.
[9] Jocano, F. (1997). Filipino values system: A cultural definition. Punlad Research House.
[10] Medina, B. (2001). The Filipino family. University of the Philippines Press.
[11] Ocampo, A. (1990). Rizal without the overcoat. Anvil Publishing.
[12] Roces, M. (2012). Women’s movements and the Filipina. University of Hawaii Press. DOI: https://doi.org/10.21313/hawaii/9780824834999.001.0001
[13] Santos, B. (1983). Martial law and society in the Philippines. University of the Philippines Press.
[14] Schumacher, J. (1991). The propaganda movement. Ateneo de Manila University Press.
[15] Tan, M. (2001). Survival through pluralism: The politics of sexual identity in the Philippines. Journal of Homosexuality. DOI: https://doi.org/10.1300/J082v40n03_07
[16] White, H. (1973). Metahistory: The historical imagination in nineteenth-century Europe.
[17] World Health Organization. (2020). Mental health and psychosocial considerations during the COVID-19 outbreak.